NEWS RELEASE | Bayanihan ng AFP, mapanghati

Mariing binatikos ng iba’t-ibang grupo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ikatlong araw ng isinasagawang Peace Caravan ng Save Bondoc Peninsula Movement (SBPM) sa lalawigan ng Quezon.

Anila, hindi tutuo sa diwa at pakitang-tao lamang ang bayanihan ng AFP, na ang tinutukoy ng grupo ay ang  counterinsurgency program ng gobyerno na tinawag na Oplan Bayanihan.

Ayon kay Orly Marcellana, tagapagsalita ng SBPM, napatunayan nila kagabi pagdating sa lugar ng paglulunsaran ng Mercy Mission na mapanghati ang bayanihan ng AFP dahil nadatnan nila ang mga sundalo na nagpapamiting sa mga lokal na residente at binababalaan ang mga ito na huwag lalahok sa aktibidad ng SBPM.

“May 14 na sundalo kaming nadatnan na nagpapalabas ng sine na naglalaman ng mga black propaganda laban sa samahan namin. Tinatakot nila ang mga tao na diumano ay NPA ang darating para magbigay ng pagkain at serbisyong medikal,” sabi ni Marcellana.

Dagdag pa ni Marcellana, “Napag-alaman namin na mismong ang Battalion Commander ng 74th IBPA ay nagpunta sa Mayor ng San Andres para sabihing huwag suportahan ang aming aktibidad. Ang sundalo naman daw ay magkakaroon din ng medical mission.”

Nakatakda ang 8-araw na Mercy Mission ng SBPM na maghatid ng food packages, serbisyong medikal at psychosocial first-aid sa mga residente ng Mulanay, San Narciso at San Andres mula sa araw na ito.

Ayon sa SBPM, target nilang makapagbigay ng tulong sa may 1,500 benipisyaryo hanggang bukas bago sila tumulak sa bayan ng Lopez para sa ikalawang bahagi ng Peace Caravan.

Kahapon, umalma rin ang grupo ni Marcellana nang 3-sasakyan sa kanilang convoy ng 15-jeep at 2-trak ang naflat-an ng gulong dahil sa mga metal spike na nakakalat sa daan sa bahagi ng bayan ng Catanuan.

Sa kanilang ulat, nangyari ito malapit sa kampo ng 76th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Bgy. Malaahos.

Sa website ng SBPM ay sinasabi nilang nagkalat sa mga dinaanan nila ang mga poster at istrimer na bagong-kabit lamang, lahat nito ay naninira sa grupong Karapatan at iba pa nilang organisasyon.

Nagprotesta rin kahapon ang grupo sa tatlong kampo ng militar at pulis na nadaanan nila mula Lucena City para manawagan ng pagpapalayas sa mga sundalo at paramilitary troops sa Quezon kasabay ng dramatisasyon ng isang citizen’s arrest kay Ret. Gen. Jovito Palparan Jr.

Si Palparan ay kasalukuyang pinaghahanap ng batas matapos sampahan ng kasong kidnapping at torture sa isang lokal na korte sa Bulacan dahil sa pagkawala ng dalawang aktibista ng Unibersidad ng Pilipinas.

Samantala, naglunsad ng advocacy run against torture ang AFP at CHR kahapon sa kahabaan ng Edsa bilang paggunita sa deklarasyon ng United Nations na ang Hunyo 26 ay International Day of Support to Torture Victims.

“Mga plastik,” patungkol ni Marcellana sa AFP, “Paano magtataguyod ang mga sundalo ng kampanya laban sa torture gayong sila ang pangunahing nagsasagawa nito?”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s