News Update I Ika-5 Araw ng Peace Caravan at Mercy Mission sa Quezon, Patuloy na Ginugulo ng AFP at PNP

Ilang bala ang nakumpiska sa bag na dala ng isang pulis nang mahulitong kumukuha ng litrato sa delegasyon ng peace caravan sa palengke ng Catanauan, Quezon.

Hinarang ng mga pulis ng Catanauan, Quezon ang Peace Caravan at Mercy Mission na kasalukuyang isinasagawa ng Save Bondoc Peninsula Movement (SBPM) bandang ala-una ng hapon ngayong araw sa bayan ng Catanauan. Kagagaling lamang ng Peace Caravan sa palengke ng Catanauan upang mamigay ng relief goods nang ito ay harangin ng mga pulis at tangkang damputin ang provincial coordinator ng KARAPATAN-Quezon na si Darwin Bonrostro.

Bago nito, habang nasa palengke ng Catanauan ang Peace Caravan, may isang lalaking naka-sibilyan ang nakita ng ilang delegasyon ng Caravan na patagong  kumukuha  ng litrato sa kanila. Kaya’t ito ay kanilang sinita ngunit ang lalaki ay tumakbo at naiwan ang kanyang bag. Napag-alaman na lamang ng delegasyon ng Caravan na isang pulis pala ang kumukuha  ng litrato. Kung kaya’t hinarang ng pulis ang Peace Caravan para diumano ay kuhanin ang bag ng pulis na si Alex Baronia. Nang makita ng delagasyon ang bag ay isinauli ito sa pulis at nakitang ang laman nito ay mga bala.

Ayon kay Pedro “Tata Pido” Gonzales, tagapagsalita ng Save Bondoc Peninsula Movement,  marami ng beses nagtangka ang mga military na naharangin, gambalain at guluhin ang Peae Caravan at Mercy Mission. Sa unang araw pa lamang, ay nagpakalat na sila ng mga spikes sa kalsada.

Binantaan nila ang mga taga-San Andres Quezon na  kapag pumunta sila sa Mercy Mission ay gegerahin sila. Sa kabila nito ay dinagsa pa rin ng humigit kumulang sa 1,000 residente ang  2 araw na Mercy Mission na nagbigay ng medical, relief, paralegal, psycho-social at cultural na mga serbisyo.

“Nagtataka lamang kami kung bakit nais ng AFP na pigilan at gambalain ang aming mercy mission na nagbibigay serbisyo sa mamamayan. Hindi ba’t sila nga dapat ang nangunguna sa pagseserbisyo? Subalit ang ginagawa nila ay pananakot at pandarahas “, ani Orly Marcellana na isa ring tagapagsalita ng Save Bondoc Peninsula.

Nagpaabot din naman ng alarma si Bishop Arturo Asi ng United  Church of Christ of the Philippines (UCCP)-Southern Luzon Jurisdiction sa inulat ng mga residente ng San Andres na  kaninang tanghali ay pinasok ng mga lasing na sundalo ng 74th IBPA ang simbahan ng UCCP at pinagkukuhanan ito ng litrato  matapos makaalis doon ang Peace Caravan. Kinukumpirma pa kung may kinuhang gamit ang mga sundalo.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang paglalakbay ng Peace Caravan at Mercy Mission patungong Lopez, Quezon kung saan ang gagawing medical mission bukas ay may pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan. Subalit napag-alaman  na nakipag-usap ang 85th IBPA sa pamahalaan ng Lopez na magsasagawa rin sila ng Medical Mission.

Ayon kay Marcellana,” Pilit na pinipigilan at tinatapatan ng mga sundalo ang peace caravan atmercy mission, dahil sa ginawang ito ng 85th IBPA, wala na kaming venue at rekurso para sa aming mercy mission. Subalit kung inaakala nilang kami ay mapipigilan sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan ng Quezon na biktima ng karahasan ng mga militar ay nagkakamali sila. Tuloy ang aming peace caravan patungong Lopez at sa ibang bayan pa ng Quezon.#

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s