News Release I Sa kabila ng panibagong kasinungalingan ng militar, Mercy Mission, tagumpay sa pagserbisyo sa Quezon

Dinumog ng daan-daang mga residente ng Quezon ang matagumpay na medical mission na bahagi ng Mercy Mission at Peace Caravan.

 

Makalipas ang malalaking tagumpay ng pagbibigay-serbisyo ng Mercy Mission at paglalantad ng mga pang-aabusong militar sa Timog Quezon at Bondoc Peninsula, pilit pa ring nagsasagawa ng mga paninira ang mga militar upang palabasing bigo ang naturang aktibidad.

“Batid ng mga militar na madumi na ang kanilang imahe hindi lamang sa mga residente ng Quezon kundi maging sa ibayong dagat dahil matagumpay naming naisisiwalat sa madla ang kanilang karahasan. Kung kaya, desperadong-desperado ang mga itong baluktutin at siraan ang aming aktibidad,” ani Orly Marcellana, tagapagsalita ng Save Bondoc Peninsula Movement (SBPM).

Ngayong umaga lamang, naglabas ang militar ng kanilang pahayag na nabigo umano ang Mercy Mission “sa kahilingan ng masa para sa kapayapaan.”

“Sa katunayan, masayang-masaya ang mga residente ng Quezon sa aming pagdating. Kung tutuusin, parang bago sa kanila ang mga serbisyong aming dala sapagkat maski ang mga militar na matagal nang nagkakampo sa kanilang lugar ay nagbibigay ng takot sa halip na serbisyo,” dagdag ni Marcellana.

Ang nabanggit na Mercy Mission ay inilunsad sa pangunguna ng SBPM, isang alyansa ng mga organisasyon, health workers, makabayang pulitiko at taong-simbahan na naglalayong magbigay ng serbisyong medikal, ispiritwal at cultural, relief operations at psychosocial therapy “lalo na sa mga batang sa murang edad pa lamang ay nakararanas na ng pang-aabusong militar.”

Ang naturang Mercy Mission ay nakapagbigay ng serbisyo sa humigit-kumulang 1,500 residente ng Brgy. Talisay sa San Andres at Brgy. San Francisco B sa Lopez, Quezon. Humigit-kumulang 800 bata rin na nakaranas ng trauma ang nabigyan ng psycho-social therapy.

Ipinahahayag ng militar na nagrali umano ang mga volunteers ng SBPM at pinalalabas ring sinalaula ng mga ito ang simbahan. Sa kabilang panig, ipinahayag ni Marcellana na, sa katunayan, kaisa nila sa Mercy Mission ang United Church of Christ Southern Luzon Jurisdiction, ang nangangasiwa sa simbahang tinutukoy ng militar. Pinabulaanan rin ng UCCP ang pahayag ng militar.

Itinatwa rin ni Marcellana ang diumano’y pagbibigay ng tulong-medikal ng militar sa Mercy Mission. Isiniwalat din niya na nagkaroon pa ng samut saring hakbang ang mga militar upang isabotahe ang Mercy Mission tulad ng anila’y pagkakalat ng spayks sa kalsada upang maantala ang mga sasakyan, pang-aagaw ng mga rekurso at volunteers, at pananakot sa mga nais lumahok sa Mercy Mission.

“Kaawa-awa ang mga militar na gumagawa ng mga maduduming hakbang upang pasinungalingan ang tagumpay ng Mercy Mission. Ang tanging layunin lang namin ay magbigay ng mga serbisyong panlipunan at ito ay magpapatuloy harangan o dahasin man kami ng mga kasundaluhan,” ani Marcellana.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s